Estudyante knockout sa suntok ng principal

PORMAL nang nagsampa ng reklamo kaninang umaga ang isang estudyante sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City Police Office (BCPO) laban sa acting principal ng kanyang paaralan matapos siyang sapakin ng huli.

Sa salaysay ng 13-anyos at fist year high school student, nawalan siya ng malay matapos suntukin ng guro at acting principal ng Abcasa National High School na si Angel delos Reyes.

Aniya, nagpaalam siya sa guro noong Hunyo 29 ng hapon para bumili ng ice water habang nagkaklase ngunit hindi siya pinayagan nito.

Dahil uhaw na uhaw na, lumabas pa rin  sa silid-aralan ang naturang estudyante upang bumili ng ice water ngunit nang siya ay magbalik ay kinuwelyuhan siya ni Delos Reyes at saka sinuntok sa ulo.

Samantala, pinabulaanan naman ni Mr. Delos Reyes na kanyang sinuntok ang bata.

Aniya, hinatak lamang niya ito at pinaupo sa kanyang tabi upang matigil ang kakulitan ngunit umiyak at ng huli ay nanigas ang katawan na posible sa sobrang takot at saka hinimatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply