Estudyanteng lakwatsera nalimas sa holdap

DAHIL sa paglalakwatsa, naholdap ang isang estudyante ng hindi pa nakilalang suspek sa Caloocan City, Biyernes ng hapon, Hulyo 14.

Mamahaling cellphone ang nakuha sa biktimang nasa 17, ng Tugatog, Malabon City.

Nabatid na alas-4 ng hapon, nagpunta sa Northmall sa Monumento ang biktima at sa loob nito ay tinutukan siya ng ice pick ng suspek.

Dito na kinuha ng suspek ang i-phone ng biktima bago tumakas habang humingi ng tulong sa mga pulis ang dalagita subalit hindi na nakita ang holdaper.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply