Ex-CCP prexy kinastigo ni Jinggoy sa pagharang ng National Artists Award kay Dolphy

KINASTIGO ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada si dating Cultural Center of the Philippines (CCP) president Nicanor Tiongson dahil sa pagharang umano ng nominasyon kay comedy king Dolphy bilang National Artist noong 2009.

Nauna rito, ibinuking ni National Artist for Theater Cecile Guidote-Alvarez sa radio interview nitong Huwebes na noong 2009 pa sana ginawaran ng National Artist Award si Dolphy kundi lang ito hinarang ni Tiongson.

Matapos ang nominasyon ni Sen. Manny Villar, magaan na nakalusot sa unang round si Dolphy, pero ayon kay Alvarez, sa joint deliberation ng CCP at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay hinarang ito ni Tiongson.

Sa pagkakatanda ni Alvarez, ang naging dahilan ni Tiongson sa pagharang ng nominasyon kay Dolphy ay dahil nakakahiya umano sa gay community ang mga pagganap ng komedyante bilang bakla sa mga nakalipas nitong pelikula.

Hindi nagustuhan ni Estrada, isa sa nagsusulong ngayon ng National Artist Award kay Dolphy, ang naging dahilan ng pagkontra ni Tiongson dahil alam naman nitong ginagampanan lang naman ng komedyante ang role niya sa pelikula at hindi ito isang klase ng pag-iinsulto sa mga bakla.

“Stupid. That’s only a role in the movies,”patutsada ni Estrada sa isang text message.

Ilang beses nang gumanap bilang bakla sa pelikula si Dolphy, ang pinakahuli dito ay ang “Markova Comfort Gay” noong 2000 tungkol sa buhay ni Walter Dempster Jr., ang huling nabubuhay na comfort gay ng World War II.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply