Ex-dyowa ni Amy wanted

WANTED ng pamilya at ni Amy Perez ang dati nitong mister si Brix Ferraris. Ilang taon na nila itong pinaghahanap pero hindi nila ma-locate kung nasaang panig ng mundo nakatira o nagtatrabaho. Ang huling balita ni Sir Abet Perez, ang tatay ng TV host, nasa Indonesia raw ito kumakanta.

Ang hindi malaman nina Sir Abet kung bakit ayaw makipag-cooperate ang dating lead vocalist ng bandang South Border gayong napakatagal nang panahon na hiwalay ang kanyang anak sa singer na ‘to. Balita nga nila may asawa na rin ito. Kailangan lang lumitaw ni Brix para mabigyan na ng resolusyon ang annulment case na nai-file ng Face To Face host.

Sabi ng isang malapit sa pamilya Perez, baka raw natatakot magpakita dahil sa mga kasalanang nagawa nito sa magaling at sikat na host. Hindi naman daw ito kakatayin. Magpakita lang at makipag-usap. Isa pa’y gusto rin siyang makita ng kanyang anak.

***
Sunod-sunod ang disgrasya sa Kapamilya stars

NABANGGA ang sinasakyang van ng Kapamilya actress na si Bangs Garcia noong isang araw ng pampasaherong bus sa bahagi ng Elliptical Road, Quezon City. Hindi naman daw nasaktan ang sexy star na kagagaling lamang sa ABS-CBN’s presscon.

Kamakailan si Slater Young ay naaksidente rin. Ang kanyang dina-drive na kotse ay tumama sa gate ng kanilang subdibisyon. Nagkaroon siya ng bali sa paa at kinailangan pang gumamit siya ng crutches for 3 days.

Samantalang si Piolo Pascual ay nagkaroon din umano ng self-accident katulad ni Slater.

Tumimbuwang siya sa sinasakyan niyang bike nung nasa Baguio daw siya, meron pang sa car siya naaksidente, at ang malala ay namatay pa raw siya. Pero buhay na buhay ang aktor at pinasunangilingan ang balita.

Gawa-gawa lamang daw ito ng mga taong walang magawa.

****

Kalabang aktor ni Vice Gov. Daniel Fernando sadsad sa survey

MAY pa-survey daw na nangyari sa Bulacan. Hindi lang matukoy kung sino ang nagkomisyon. Pero malamang ay ang kampo ng aktor na gustong tapatan ang kandidatura ni Vice Governor Daniel Fernando.

Ang resulta ng survey, lampaso ang kalabang aktor. Pinakain lang ito ng alikabok ng politician/actor.

Hindi raw kasi gusto ng mga taga-bulacan ang hindi naman nila kababayan. Bigla lang naging Bulakenyo nang maisipang kumandidato.

Isa pa’y alam din nila na ang naturang aktor ay binaback-up-an lang ng dalawang mayor na gustong mawala sa pwesto si Vice Gov. Daniel. Ito yung mga mayor na balat-sibuyas.

Anyway, may bagong offer na naman si Daniel sa Kapuso. Hindi pa namin alam kung anong klaseng project ito, pinag-uusapan pa daw kasi ito hanggang sa kasalukuyan.

Bukas-makalawa ay siguradong hataw na naman ang aktor-politiko sa lahat ng network. Kagaya nung mga nakaraang taon, meron siyang teleserye sa ABS CBN at sa GMA-7.

***

Producer ng The Bourne Legacy pinakinggan ang hiling ng Pinoy fans

NAKAPASKIL na kaya sa mga sinehan ng SM ang poster ng The Bourne Legacy na kung saan makikitang nakatayo ang bidang si Jeremy Renner sa isang narrow alleway sa Sta. Ana district sa Manila? Sa Facebook account kasi ng naturang mall ay nakalagay na ang nasabing poster. Sana nga hindi lang ang mga sinehan ni Mr. Henry Sy ang nage-effort para matuwa ang mga Pinoy para kumita ang pelikula ito.

Marami nang Hollywood Film ang ginawa sa Pilipinas noon pero hindi tayo in-acknowledge. Para bang kinahihiya nila ang ating bansa. Minsan nga, imbes na Pinas ang ilagay sa credit ng movie dahil dito naman talaga sila nag-shooting pero Thailand ang nakasulat, huh!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply