Ex-Muntinlupa mayor sinaksak, sugatan

SUGATAN ang dating Muntinlupa Mayor makaraang saksakin at pagtulungang bugbugin nang apat na kalalakihan sa mismong tahanan nito sa Oding Compound, East Service Road, Alabang, Muntinlupa City.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay at mga galos sa katawan ang dating alkalde na si Santiago Carlos, Jr makaraang pagtulungan umano ng mga suspek na kinilalang sina  Edito Lobreza, Marleo Sales, Tirso Retom at Kris Talapyan na sinasabing pumasok sa loob ng compound.

Nabatid na bumunot ng patalim ang suspek na si Retom at tinangkang saksakin sa dibdib si Carlos ngunit mapalad na nasalag nito ng kanyang kamay.

Nasa kustodiya naman ng Muntinlupa Central Police Station ang mga suspek at kasalukuyang inaalam ang motibo sa pananaksak.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply