Ex ni Dolphy na si Alice Smith, nagpamisa sa US

NAGPAMISA rin ang dating live-in partner ni Dolphy na si Alice Smith na nakabase sa Estados Unidos bago ihatid ang Comedy King sa huling hantungan nito sa Heritage Park sa Paranaque City ngayong hapon.

Mismong si Smith, nanay ng actor director na si Eric, ang kapatid nitong sina Epi at Madonna Quizon ang nag-organisa ng nasabing misa para sa namayapang pamosong komedyante.

Sinabi ni Alice, na malaking kawalan para sa kanya at sa kanyang tatlong anak ang kanyang dating kabiyak at kahit hindi tumagal ang kanilang pagsasama ay nagpapasalamat pa rin siya dito dahil hindi nito pinabayaan at pinalaki ang kanilang mga anak nang maayos.

Si Smith na isang dating aktres noong dekada ’60 ay nakabase ngayon sa Vallejo, California.

Humihingi rin ito ng pag-unawa dahil sa hindi niya pa-uwi ng Pilipinas para damayan ang mga nagmamahal sa dating kinakasama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply