Ex-officials ng IBC 13 kakasuhan ng QC prosecutors office

KAKASUHAN ng Quezon City prosecutor’s office ang dating mga official ng International Broadcasting Co. (IBC) kabilang na si Lauro Vizconde na pawang nanilbihan sa ilalim ng Arroyo administration dahil sa umano’y hindi pagre-remit ng monthly distributions ng kanilang mga empleyado sa Philippine Health Insurance Corp. (PHIC o Philhealth).

Sinabi ni Quezon City chief prosecutor Donald Lee, bukod kay Vizconde, kasama ring kakasuhan sina dating IBC board members na sina Mark Allan, Jay Yambao, Joselito Yabut, Victor Felipe, Juanito de Asis at Ricardo Abcede.

Kasama rin sana si Press Secretary Cerge Remonde sa reklamo na isinampa noong 2009 pero dahil namatay ito noong Enero 19,  sanhi ng heart attack ay inalis na ang pangalan nito sa complaint sheet.

Ipinagkaloob ni Lee ang motion for reconsideration na isinampa ni PhilHealth counsel Florecita Torreliza, nang hingin nito na baligtarin ang resolusyon ni Assistant City Prosecutor Alessandro Jurado na nagdismis sa kaso dahil sa kakulangan ng probable cause.

Matatandaan na isinampa ni Torreliza ang reklamo noong 2009, at sinabing nilabag ng mga respondents ang 1995 National Health Insurance Act dahil may lumitaw na isang outstanding obligation sa PHIC na halagang P6,153,825.

Sa isang kapanayam, iginiit naman ni Vizconde na ang health premiums ng mga IBC employee ay regular na nabayaran at ang lahat ng kanilang sigalot sa IBC management ay naayos na.

“A bail of P6,000 each was recommended for the provisional liberty of the respondents,” ayon pa kay Lee.

Itinalaga si Vizconde bilang IBC board ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001 pero nang magpalit ng bagong administrasyon, ang 77-anyos na biyudo na lamang ang tanging pinanatili sa puwesto bilang tulong na rin sa kanya dahil wala itong hanapbuhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply