Ex-PGMA magpapa-stem cell therapy

DAHIL sa patuloy pa rin na pananakit ng leeg at likod ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay posibleng mag-stem cell therapy.

Sa pahayag ni Dra. Antonia Park ng Green and Young Health and Wellness, sinabi nitong malaki ang posibilidad na isailalim sa stem cell therapy ang dating Pangulo at iba pang treatment.

Sinasabing sa proseso ng stem cell, papalitan ng bagong adult stem cell ang mga nasirang tissue para gumaling ang karamdaman.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na sumailalim na sa naturang therapy ay sina dating Pangulong Joseph Estrada, Senate Pres. Juan Ponce Enrile at maging ang aktres na si Lorna Tolentino.

Samantala ngayong Biyernes ay nakatakda nang lumipat sa kanyang distrito si Ginang Arroyo matapos nitong magpalipas ng gabi sa wellness center sa Tagaytay City.

Ipagpapatuloy rin ng dating Pangulo ang physical therapy niys sa Veterans Memoirial Medical Center (VMMC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply