Ex-PGMA nakalabas na sa VMMC

NAKALABAS na sa Veterans Memorial Medical Center si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago mag-alas-3:00 ngayong hapon.

Sumakay sa kulay puting coaster ang dating Pangulo at sinabing patungo sa kanilang bahay sa La Vista.

Una rito, nakapaglagak na ng P1 milyon piyansa kasunod ng pagpabor ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 sa inihainn niyang motion to bail.

Sinalubong ng mga kaanak, kilalang kaibigan at kaalyado ng pamilya Arroyo ang masayang paglabas ng dating Pangulo sa ospital.

Bago tuluyang umalis sa VMMC, ay dumaan muna ito sa chapel ng naturang ospital para makapagdasal.

Kanina, pagkatapos na maihatid ang kopya ng release order, ay apat na malalaking maleta ang nakitang ipinasok sa presidential suite ng VMMC.

Sa panayam naman sa anak ni Ginang Arroyo na si Luli, sinabi nito na sabik na ang kanyang ina na makabalik sa trabaho bilang kongresista ng Pampanga.

Sinabi rin sa panayam ni Candaba Mayor Jerry Pelayo, na babalik pa rin naman ang dating Pangulo sa ospital para sa check-up nito.

Samantala, nagkatensyon naman sa gate 2 ng VMMC nang harangin ng mga galit na galit na militanteng grupo ang mga lumalabas na sasakyan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply