GMA, PCSO official kinasuhan ng plunder sa S’bayan

PINASAMPAHAN na ng kasong plunder ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Sandiganbayan si dating pangulong  Gloria Macapagal Arroyo, opisyal ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at  Commission on Audit (COA), sa pagkakdawit ng mga ito sa  paglustay ng PCSO’s Confidential/ Intelligence Funds (CIF).

Sa  43 pahina na  Review Joint Resolution (RJR) na pinirmahan noong Hulyo 12, 2012, nakitaan ni Ombudsman Morales ng  probable cause para samaphan ng kasong plunder si ginang Arroyo, dating PCSO Chairman Sergio Valencia, dating  PCSO Vice Chairman/General Manager Rosario Uriarte, Board of Directors Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero,  Ma. Fatima Valdes, dating PCSO Budgets and Accounts Manager Benigno Aguas, dating  COA Chairman Reynaldo Villar at  head ng COA’s Intelligence/Confidential Fund Audit Unit Nilda Plaras.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso  sa mga nasabing indibidwal dahil na rin sa reklamo na isinumite ni  Jaime Regalario, Risa Hontiveros-Baraquel at Danilo Lim noong Hulyo 25, 2011, para sa kasong  plunder, malversation and violation of Republic Act (RA) No. 3019; habang nagsampa ng  kaparehong kaso ang PCSO sa pamamagitan ni  Eduardo Araullo  noong November 29, 2011 dahil na rin sa hindi tamang paglustay ng pondo ng PCSO’s CIF noong administration Arroyo.

“The RJC concluded that respondent’s series or combination of acts “form a pattern, not only of misuse and raid of PCSO’s CIF from 2008-2010, but also of illegal conveyance or disposition of cash advances disbursed therefrom, all while taking advantage of their respective official functions.”

It found that from January 2008 to June 2010, the aggregate amount of P365,997,915 representing cash advances were disbursed from PCSO’s CIF in the names of Uriarte (P352,681,646) and Valencia (P13,316,269).” base pa sa 43 na pahina na Joint Resolution.

Sa obserbasyon pa rin ng RJR, malaki ang nakitang itinaas ng gastos  ng PCSO na mula sa 10 milyon noonng taong 2000 ay umabot ito ng 103 milyon noong 2008,  75 milyon, 90 milyon at 150 para sa taong 2008, 2009, 2010.

Napag-alaman na ang mga mga halos makakaperong request ng CIF para sa karagdagng pondo ay walang nakasaad na plano  kung saan gagastusin na proyekto, programa o anumang intelligence activity maliban pa  sa lubhang mataas ito para arpubahan ng PCSO corporate operating budget noong 2008 hanggang 2010.

Bukod dito, nakitaan rin ng RJR ng  mga irregularidad at maling  mga sinasabing cash advances  na kinapapalooban ng disbursement vouchers dahil sa  walang ang mga ito na dokumento, maling sertipiskayon  o  credit advices na niliquadate na walang anumang authorization mula sa  CIF disbursements noong  2008.

Wala rin anumang dokumento o anumang resibo na maipakita ang mga PCSO sa isinagawa umanong relief operation o  blood money na ibinigay para sa mga convicted na mga OFWs na siyang dahilan upang sampahan pa ang mga nasabing indibidwal ng kasong malversation at violations ng RA 3019 na nakapaloob sa kasong plunder.

Samantala, dinismis naman ng RJR ang kaso laban kay dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dahil lumalabas na  tinupad lamang  nito ang kanyang tungkulin  para ipatupad ang direktiba ng presidente na kung saan gumawa ito ng isang liham para sa PCSO sa pagpapalabas ng nasabing pondo subalit ang nabanggit na liham ay mayroong nokasaad na  “subject to pertinent budgetary, accounting and auditing rules and regulations” na ibig sabihin ay kailangan pa rin na nakapaloob sa rules and regulations ang paglalabas ng pondo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply