Ex-PNP chief, 26 pa kakasuhan sa ‘ghost repairs’

SASAMPAHAN ng Ombudsman ng kasong Plunder Law (Republic Act No. 7080), Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), Government Procurement Reform Act (RA 9184), and Malversation thru Falsification of Public Documents (Revised Penal Code) laban sa dating PNP Chief at 26 iba pa dahil sa paggastos ng P400 milyon para sa “ghost repairs

Dahil dito, iimbestigahan ng Ombudsman ang dating Philippine National Police chief na si Director General Avelino Razon Jr at 26 na iba pa kaugnay sa pagkakasangko ng mga ito sa ginastos na ghost repairs ng mga sasakyan ng pulis noong 2007.

Nabatid sa Ombudsman, noong Miyerkules na iimbestigahan nito si Razon at ang 26 iba pa, pati na rin ang 12 pribadong indibidwal, dahil sa pagpapagawa ng 28 V-150 Light Armored Vehicles.

Umupo si Razon bilang PNP chief noong 2007 at di nagtagal ay ginawa siyang presidential adviser on the peace process. Tumakbo rin siya ngunit natalo sa pagka-alkalde ng Maynila nitong nakaraang 2010 automated elections.

Aalamin  ng naturang opisina kung totoo ang mga ulat na nagkaroon ng “ghost delivery” ng mga parte ng sasakyan at ang ulat na wala namang patunay na may mga lumang parte nga na pinalitan.

Bukod kay Razon, iimbestigahan din sina: Former PDDG Reynaldo Varilla PD Charlemagne Alejandrino, dating PCSupt. Ray Roderos, PCSupt. Mario San Diego, dating PCSupt. Teodorico Lapuz, PSSupt. Emmanuel Ojeda, PSSupt. Reuel Leverne Labrado, PCInsp. Analee Forro, PSupt. Edgar Paatan, PSupt. Henry Duque, SPO4 Victor Puddao, PSupt. Josefina Dumanew, PSSupt. Victor Agarcio,PSupt Warlito Tubon, SPO4 Alfredo Laviña, NUP Eulito Fuentes dating PDir. Geary Barias, dating PDir. Eliseo Dela Paz, PSSupt. Rainier Espina, NUP Alex Barrameda,NUP Patricia Enaje, NUP Maria Teresa Narcise, NUP Nancy Basallo, PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato, PNP Resident COA Supervising Auditor Jaime Serrano, at Technical Audit Specialist Amor Quiambao.

Hindi naman binanggit ng Ombudsman ang pangalan ng 12 pribadong indibidwal na sabit sa kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply