Ex-principal pinatay sa lamay

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang retiradong principal habang nakikipaglamay sa Barangay Nangka, Marikina City, kagabi.

Kinilala ang pinaslang na si Fernando Javier na kareretiro pa lamang sa Lagro High School.

Batay sa pagsisiyasat, nakipaglamay ang biktima at habang nasa tapat ng punerarya ay nilapitan ito ng lalaki at pinagbabaril.

Pagkatapos ng pamamaril ay agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbetigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply