Ex-sundalong Kano dedo sa pamamaril

DAGUPAN CITY – Isang 65 year-old na retired US Army ang namatay matapos itong pag babarilin ang hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa bayan ng Malasiqui lalawigan ng Pangasinan kamakalawa.

Sa report na nakalap ng Remate kahapon sa Dagupan Philippine National Police (PNP) kinilala ang biktima na si Ernesto Mamaril, ng Barangay Talospatang, Malasiqui.

Sa inisyal na imbestigayon,nakasakay ang biktima sa pampasaherong tricycle at binagbagtas ang national road ng Barangay Cabatli ng harangin ito ng mga suspek.

Sa puntong ito, agad na bumaba ang isang suspek at agad na pinagbabaril ang biktima gamit ang .45 pistol.

Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang mga salarin at ediniklarang dead-on-arrival and biktima sa pinakamalapit ng ospital.

Sa kasalukuyan inaalam na ng lokal na pulis ang motibo ng pamamaril at nag sagawa na din ang mga awtoridad ng manhunt operation para sa agarang pag kakahuli ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply