Express lane hiniling ng senior citizens

SUMUGOD ang grupo ng mga senior citizens sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila kaninang umaga upang hilingin na mabigyan sila ng express lane sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Eddie Ellarde, dating senador, mahirap na para sa kanilang mga senior citizen na makipagsiksikan pa at makipagtulakan sa dami ng mga botante sa eleksyon kaya naman hiling nila na mabigyan sila ng proyoridad kung hindi man ay maayos na voting lane.

Hiniling din ni Ellarde na kung maaari ay sa bandang ibaba na lamang sila bumoto upang hindi sila mahirapan sa pag-akyat sa mga hagdan ng mga eskuwelahan.

Ang naturang kahilingan ay agad namang pinagbigyan ni Commission on Elections Chairman Sixto Brilliants at Commissioner Rene Sarmiento para na rin makaboto ng maaayos ang mga matatanda sa darating na 2013 midterm elections.

Labis namang ikinatuwa ito ng mga senior citizen at hangad din nila ang maayos na halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply