Female singer naglalaway sa legs at boobs!

PINAG-UUSAPAN sa umpukan ng mga driver ng artista ang isang sikat na female singer na kakaiba ang ikinikilos kapag nasa dressing room ng mga babaeng celebrities. Nagtitilam-tilam as in halos tumulo raw ang laway ng hitad kapag nagbibihis ang mga girlita. Wala raw talaga itong kakurap-kurap sa katititig sa legs, wetpaks at boobs ng mga taartits na abala sa pagpapalit ng damit.

Sabi ng isang driver, naiilang daw ang kanyang ma’am (amo nitong artista) kapag katabi nito sa loob ng kwarto ang naturang singer na umaarte na rin sa katsang telon dahil parati raw nakatingin sa kanyang malaking boobsina ang huli. Wala naman daw itong sinasabi. Tahimik lang at pa-smile-smile lamang. Baka bukas-makalawa kapag hindi nagkasya sa katitingin ang lekat, mandakma na ito ng keps.

Gusto n’yo bang kantahin ko pa para ma-gets n’yo ang aking chika? Hahaha!

***

Kahit kinatay ng MTRCB, MMK episode ni Jane Oineza humataw sa rating

PINAKATINUTUKAN ng buong sambayanan sa TV at pinakapinag-usapan sa Twitter noong Sabado (Hunyo 30) ang kontrobersyal na ‘Manika’ episode ng “Maalaala Mo Kaya” na pinagbidahan ng Kapamilya teen star na si Jane Oineza at highly acclaimed actress na si Angel Aquino.

Base sa datos ng Kantar Media, humataw ang SPG-rated na “MMK” episode na ito ng 40% national TV rating, na siyang pinakamataas na rating kumpara sa nakuha ng lahat ng TV programs noong Sabado at Linggo (Hulyo 1). Ang katapat na programa ng “MMK” sa GMA na “Kapuso Movie Festival” ay nakakuha lamang ng 15.2%.

Bukod sa ratings, tagumpay rin sa Twitter ang “MMK” episode nina Jane at Angel. Sa katunayan, worldwide trending topic mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi si Jane na gumanap sa episode bilang si Nene, ang teenager na hinayaan ng sarili niyang ina (ginampanan ni Angel) na halayin nang ilang beses ng kanyang kinakasama.

Ayon kay Jane, sobrang kaligayahan ang nadarama niya sa mainit na pagsuporta ng mga manonood sa first starring role niya sa TV. Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng magagandang feedback. Nagpapasalamat din po ako sa ABS-CBN, kay Direk Nuel Naval, at sa ‘MMK’ sa pagbibigay po sa akin ng chance na ipakita ang talent ko.”

Umaasa si Jane na sa pamamagitan ng episode nila, may mga aral na natutunan ang TV viewers. “Sana po naging eye-opener ang kwento ni Nene sa ating lahat, na wala nadudulot na maganda ang droga at kahit anong pagdaanan nating pagsubok, huwag tayong mawawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos.”

Kasama nina Jane at Angel sa ‘Manika’ episode ng “MMK” sina Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald Madrid, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco Fabregas, at Elaine Quemuel.

Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

***

Aktor puro pambabaeng bag ang mga koleksyon

NAGULAT naman ang isang driver nang ipakuha ng among aktor ang bag nito na naiwanan sa balaysung.

Hindi raw sukat akalain ni manong na ang kanyang boss ay napakarami palang koleksyon ng bag na pambabae at puro signature itetch! Sa tingin ng lintek e, daang libo at posibleng umabot pa sa milyon ang mga bag na iyon dahil nakita niya ang mga tatak nito-Hermes, Prada at marami pang iba.

Clue: Ang aktor na binabanggit natin ay bihira na ngang magkasyota, hindi pa nagtatagal ang relasyon.

Gets n’yo na?  Eto pa, isa sa tatak ng collection ng bag niya ay pareho ng namesung niya ang first letter nito. ‘Yun na!

***

The Healing tribute ng Star Cinema kay Ate Vi

STAR Cinema pays tribute to Vilma Santos’ 50 years in showbiz sa pamamagitan ng pelikulang The healing.

“It’s a perfect project after In My Life, which was three years ago. And since I don’t do movies that frequent, I might as well give the public something different,” saad ni Ate Vi.

Kakaiba ang selebrasyon ng ika-50 taon ni Governor Vi sa katsang telon dahil sa pelikulang ito kung saan first time niyang gumawa ng suspense-horror movie.

Natutuwa rin siya dahil nakasama niya ang pinakamagagaling na artista sa bagong henerasyon katulad nina Kim chiu, Pokwang, Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado at Carmi Martin at ang direktor na si Chito Roño.

Anyway, The Healing is totally a new brand of suspense-horror na siguradong magmamarka sa kasaysayan ng Philippine horror cinema. Ipalalabas ito sa July 25 sa mga sinehan sa buong bansa.

“Stories about the Filipino tradition of going to faith healers for guidance and treatment of ailments have not yet been tackled in-depth in movies. In our film, viewers will not just be horrified, they’ll somehow be challenged to think as to how faith healing has already been part of the our culture,” paliwanag pa ng multi-awarded actress.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply