FEU kumbinsido na ang panalo

PAHIRAPANG panalo sa tatlong unang laro ang last year’s runnerup Far Eastern University Tamaraws sa unang pagkakataon ay nanalo sila na parang naglalakad sa mall.

Tinambakan ng Tamaraws ang University of the East Red Warriors, 92-66 sa 75th UAAP senior men’s basketball tournament na ginanap sa Mall of Asia arena kahapon upang manatiling malinis sa apat na laro at tambayan mag-isa ang tuktok.

Naungusan ng FEU ang University of Sto. Tomas Growling Tigers, 72-71 sa kanilang unang salang, sumunod ay dalawang puntos lang ang abante nila kontra De La Salle University Green Archers,48-46 habang tatlong puntos naman sa Adamson University Falcons, 65-62.

Sa first canto ay nakikipagsabayan pa ang Red Warriors subalit pagsapit ng second half ay lumabas na ang bangis ng Tams at pinag-susuwag na nito ang tropa ni UE coach Jerry Codiñera.

Nadagit ng Falcons ang una nilang panalo ng ilipad nila ang 69-67 laban sa University of the Philippines Fighting Maroons.

May 1-2 win-loss card ang Falcons habang bokya pa rin ang Red Warriors at Fighting Maroons sa tatlong laro.

Samantala, makikilatis ang tibay ng sungay ng Tams sa darating na Huwebes dahil haharapin nila ang reigning 2012 Flying V pre-season ruler National Univeristy Bulldogs na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Bago ang sagupaan ng FEU at NU maghaharap ang defending champion Ateneo Blue Eagles at UP.

Muling sasandalan ni Tamaraw head coach Bert Flores ang kanyang dalawang top scorers na sina RR Garcia at Terrence Romeo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply