FIDE arbiter’s chess seminar

NAKATAKDANG idaos ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipag-ugnayan ng World Chess Federation (FIDE) ang FIDE Arbiter’s Seminar sa Hulyo 6 – 8, 2012.

Ang three-day course ay bukas sa lahat ng local chess arbiters na nagnanais na magkaroon ng rekognisyon at akreditasyon sa FIDE kung saan ang mangunguna sa chief lecturer ay si International Arbiter at Asian Chess Federation (ACF) Deputy President Casto Abundo kung saan ang assistant ay si International Arbiter Gene Poliarco ng NCFP.

Ang venue ng seminar ay sa Philippine Sports Commission (PSC) Auditorium, Philsports Complex (ULTRA), Meralco Avenue, Pasig City.

Ang Registration fee ay US$160 (PhP7,040), inclusive ng seminar handouts, snacks at certificates na ibibigay sa participants.

Sa mga nagnanais na makilahok ay may on site registration sa ganap na 9:00 a.m. sa Biyernes (Hulyo 6, 2012) o sa NCFP Secretariat on-line sa phichessfed2012@yahoo.com sa dagdag detalye.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply