Fil-Chi na businesswoman utas sa holdap

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa  isang pampublikong ospital ang negosyanteng Chinese national nang barilin ng hindi pa nakilalang mga holdaper kagabi sa Tomas Claudio St., Barangay Zone III, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Miao Shi Rong, 50, pansamantalang nakatira sa may GHL Jose Go Hulio Building.

Ang namatay ay may-ari ng ilang business establishment sa syudad at miyembro rin ng organisasyon ng mga Chinese businessmen tulad ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, nag-iisa lamang na naglalakad ang biktima pauwi at pagdating sa harap ng kanyang tinitirhan ay biglang bumaba sa isang motorsiklo ang isa sa tatlong mga suspek at inagawan ang kanyang bag na may lamang pera, mga alahas at ilang cellphone.

Lumaban umano ang biktima kaya binaril siya ng isa sa mga suspek at pagkatapos ay tumakas ang mga ito sakay ng motorsiklo.

Kasalukuyang nagsasagwa ng follow up investigation ang mga kagawad ng Zamboanga PNP upang alamin ang kakikilanlan ng mga suspek.

Kasabay nito ay inaantabayan ng mga awtoridad ang kopya ng dalawang CCTV camera na nakapuwesto sa isang gusali malapit lamang sa lugar ng insidente.

Umaasa ang mga imbestigador na mayroon mga nakasaksi sa krimen para makipag-ugnayan sa kanila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply