Fishing vessel lumubog, 5 mangingisda nasagip

NASAGIP ng Philippine Coast Guard ang limang mangingisda makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan na sakop ng Puerto Princesa, Palawan.

Batay sa inisyal na report na nakarating sa PCG, naglalayag ang FBCA Irish sa karagatan ng Barangay Tinabog, San Rafael nang salubungin ng malalaking alon at malakas na hangin na dulot ng masamang panahon.

Agad na nakaresponde ang PCG at nagsagawa ng search and rescue operation at matagumpay na nailigtas ang mga sakay ng bangka.

Kaugnany nito, muling nagpaalala ang PCG sa mga maliliit na bangka na huwag munang maglayag upang makaiwas sa trahedya  dahil masama pa ang lagay ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply