Five months pregnant and very much in love!

NAOBSERBAHAN na malaki na ang tiyan ni Precious Lara Quigaman na ikinasal kay Marco Alcaraz sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.

Confirmed na five months pregnant si Lara at obvious naman na in-love ang dalawa.

Plano  nilang mag-honeymoon sa Maldives.

Wish lang namin na sana, magtagal ang kanilang pagsasama!

-0o0-

ENGRANDENG selebrasyon ang handog ng ABS-CBN at Star Cinema para sa ika-50 anibersaryo sa showbiz ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos, sa pamamagitan ng isang natatanging de-kalibreng pelikulang pinamagatang “The Healing.” Excited na raw si Senator Ralph Recto na mapanood ito at posibleng sa premiere night nito sa Shangri-La Cinema ay kasama siya ni Ate Vi.

Bukod dito, mukhang napapayag na nila si Gov. Vi na gawin ang TV special sa ABS-CBN na target ipalabas sa November kaugnay pa rin ng 50th anniversary  niya sa showbiz.

Kahit si Direk Dante Brillante ay pursigido pa rin na pagsamahin sina Gov Vi at Nora Aunor sa isang pelikula.

Balitang kinausap daw ni Direk Dante si Ate Vi nu’ng pictorial ng The Healing.

Anyway, bagong regalo niya sa mga Vilmanians–ang kauna-unahan niyang suspense-horror film. “Excited ako sa challenge ng The Healing kasi bago sa akin ang horror,” aniya. “At dahil hindi rin naman na ako madalas makagawa ng pelikula, minarapat ko nang bigyan ang viewers ng kakaiba.”

Happy rin ang pinakabagong ‘golden girl’ ng Philippine showbiz dahil nakasama niya si direktor Chito Roño.

“Matagal ko nang pinakahihintay ang ganitong proyekto at masayang-masaya akong ginagawa na namin siya,” sey ni Ate Vi. “First time ko na gumawa ng suspense-horror film and I’m so proud of it.”

Excited rin si Ate Vi sa The Healing dahil ito ang kauna-unahang pelikula niya kasama ang primetime princess ng ABS-CBN na si Kim Chiu, “Sa totoo lang, magaling si Kim Chiu at malayung-malayo ang mararating ng batang ‘yan sa showbiz,” aniya.

Bilang pagpupugay sa 50th anniversary ni Vilma, isang natatanging pagsasama-sama ang binuo ng Star Cinema para sa powerhouse cast ng movie. Bukod kay Kim, kasama rin ni Ate Vi sa pelikula sina Mark Gil, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin and Pokwang!

Mapanonood na ito sa mga sinehan nationwide sa July 25, 2012!

-0o0-

NAKATSIKAHAN namin si Andi Eigenmann sa presscon ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Kahit Puso’y Masugatan kung saan ay isa siya sa mga bida rito. Tinanong namin ang aktres kung napatawad na ba niya si Albie Casiño, ang ama ng kanilang anak na si Elle.

“I don‘t know because no one has said sorry, nor asked for forgiveness,” deklara ni Andi.

Sa pinagdaanan ng kanyang lovelife at pagiging isang ina ay alam niyang may mga naapektuhan.

“Na-realize ko how much I’ve hurt my parents. Dalawa po kami ‘yung nagkamali, pero sobrang sakit po talaga ‘yung nagawa ko hindi dahil nabuntis ako, kung hindi dahil nagmahal ako sa maling tao,” sey pa niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply