Fixed salary sa mga bus driver, kundoktor pinapipigil sa SC

DUMULOG sa Korte Suprema ang grupo ng mga bus operator para hilinging ideklarang labag sa Saligang Batas ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagtatakda ng fixed salaray rate sa mga driver.

Kabilang sa mga nagpapasaklolo sa Korte Suprema ay ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), Metro Manila Bus Group, Southern Luzon Bus Operators and Association, Inc. (SOLUBA) at Inter City Bus Operators Association (INTERBOA).

Sa kanilang 24-pahinang petisyon, hiniling nila sa hukuman na magpalabas ng temporary restraining order para pigilin ang pagpapatupad ng kinukwestiyong kautusan.

Iginiit ng mga petitioner na labag sa Konstitusyon ang nasabing kautusan dahil nasasapawan nito ang umiiral na kontrata na nauna nang pinagkasunduan ng mga kompanya ng bus sa kanilang mga driver at kundoktor na aniya ay paglabag sa Bill of Rights.

Partikular na tinukoy sa petisyon ang umiiral na employment arrangement sa mga kompanya ng bus kung saan boluntaryong sumang-ayon ang mga driver at kundoktor sa commission basis.

Nang dahil din umano sa pagtatakda ng fixed salary, maaring lumiit ang kita ng mga driver at kundoktor ng bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply