Flashflood sa Camiguin: 300 pamilya inilikas

TINATAYANG 300 pamilya ang inilikas mula sa apat na barangay makaraang magkaroon ng flashflood bunsod ng walang tigil na malakas na ulan kagabi sa Camiguin.

Nabatid na nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang mga bayan ng Sagay, Mahinog at Guisiliban sa Camiguin simula pa kagabi.

Dahil dito, inilikas ang may 200 pamilya na mula sa tatlong barangay sa Mahinog at 100 sa Barangay Poblacion sa Sagay dahil sa flashflood.

Kaugnay nito, sinuspinde na rin ang pasok ngayong araw sa lahat ng antas sa mga paaralan doon base na rin sa pahayag ng Region 10 Office of the Civil Defense.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply