FOI, Cha-cha isusulong pa rin sa Kamara

NANININDIGAN si House Speaker Feliciano Belmonte na patuloy na isusulong ng liderato ng Kamara ang mga kontrobersyal na panukalang Freedom Of Information (FOI) bill at Charter Change (Cha-Cha) kahit na hindi ito nabanggit ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang state of the nation address (SONA) bilang priority bill.

Banggit pa ni Belmonte na halata aniyang hindi pabor ang Pangulo sa pagsusulong ng Cha-Cha subalit  pag-uusapan pa rin ito sa pagpupulong nila ni Senate President Juan Ponce-Enrile sa susunod na linggo.

Sinabi naman ni Misamis Oriental Rep. Loreto Ocampos, chairman ng Committee on Constitutional Ammendment na saka lamang nila ihahayag ang posisyon ng komite tungkol sa Cha-cha matapos ang dayalogo sa pagitan nina Belmonte, Enrile at ng Pangulo.

Aniya, maraming panukalang batas ang nakabinbin sa kanyang komite na naglalayong maamyendahan ang 1987 Constitution kung kaya nagpapatuloy ang pagsasagawa ng konsultasyon upang makuha ang pulso ng taumbayan tungkol dito.

Sa panig naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, pabor siya kung bubuksan ang ilang economics at political provisions sa Saligang Batas.

Aminado rin si Evardone, chairman ng House Committee on Pubic Information na lumiliit na ang tsansang mapagtibay ng Kamara ang FOI bill dahil sa deliberasyon ng 2013 proposed national budget.

Hinahanapan na rin aniya ng solusyon ang pag-ayaw ng ilang mambabatas sa FOI kungdi ang isinusulong ay pag-isahin na lamang ito at ang Right of Reply bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply