Footbridge sa Barangka, loading bay sa Riverbanks

NOONG unang salta ko sa Marikina noong 1988, matindi ang trapik mula Barangka hanggang Sumulong. Na-culture shock ako noon kasi batang Baesa, Quezon City ako na di nakaeeksperyensa ng ganitong trapik.

Kaya lagi ang angal ko sa bagong misis ko noon kapag pauwi na kami mula sa mga opisina namin — siya sa Del Monte Phils sa Makati, ako sa Department of Tourism sa Manila.

Nasolusyunan ang trapik noong 1992 ng bagong upong Mayor Bayani “BF” Fernando nang lagyan niya ng goma ang ilalim ng metal plates sa magkabilang approach ng Marikina Bridge.

Tila sampung taon na mabilis ang daloy ng trapiko papasok at palabas ng Marikina gamit ang A. Bonifacio Avenue at masaya ang mga Marikenyo.

Sa kasamaang palad bumalik ang trapik sa amin sa Marikina nang buksan ang Riverbanks Center bandang 2000. Mula noon, bumalik ang kalbaryo ng Marikenyo sa pang-araw-araw na trapik mula flyover sa dulo ng Aurora Boulevard hanggang sa paglagpas ng Provident.

Mahigit isang dekada ang kalbaryong ito.

Mabuti naman at ngayon masosolusyunan na ito sa pamamagitan ng SAFER program ng aming CTMDO chief, Engr. Rommel Felipe at ng aming Mayor Del R. de Guzman. Safety Accessibility Fastness Environment Reliability ang tawag sa programang ito at may acronym na SAFER.

Layunin nito na: 1) pabilisin ang daloy ng trapiko mula 22 minutes to 10 minutes — mula Barangka hanggang Shoe Avenue, 2) tanggalin ang mga bumabara sa trapiko –mid-blocks tulad ng pedestrian crossings, left turning vehicles mula perpendicular roads, 3) bawasan ang roadside friction tulad ng mga sidewalk vendor, mga tumatawid, mga pasaherong sumasakay sa maling abangan, illegal parking, atbp.

Sa SAFER Program … maglalagay ang LGU, sa tulong ng MMDA, ng footbridge sa tapat ng Riverbanks Center (RC), ililipat nila ang loading at unloading bay para sa PUVs sa loob ng RC, ipagbabawal na ang kaliwaan papasok ng RC para sa mga galing bayan at padederetsuhin sila hanggang sa ilalim ng flyover kung saan sila pwedeng mag U-turn.

Ito ay para mapagaan na ang daloy ng trapiko sa Boni Avenue.

Abangan ang iba pang action plans ng Marikina sa susunod na kolum kung saan ilalahad ko ang implementasyon ng SAFER sa pamamagitan ng 3 E-Factors: Engineering, Enforcement, at Education.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply