Foreign investors nag-aalisan sa Pinas

NAG-AALISAN diumano ang mga dayuhang investor sa Pinas dahil hindi kayang proteksiyunan ng pamahalaan ang kanilang mga negosyo, ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

“Hindi kayang kontrolin ng pamahalaan ang pagtataas ng presyo ng tubig, kuryente at iba pang expenses ng mga multinational company kaya’t mistulang sumusikip ang mundo para sa mga mangangalakal sa bansa. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang ang Tsina, Thailand at Vietnam ay nag-aalok ng ibat ibang insentibo lumipat lamang sa kanila ang mga malalaking negosyong ito,” ayon sa pahayag ni Magsaysay.

“Kung ako nga naman ang negosyante, hindi na kailangan pang isipin kung aalis ako o maiiwan dito dahil ibang iba ang mga packages na inaalok ng mga kapitbahay natin sa Asya. Ganoon maari ang nangyayari sa Ford Philippines na magsasara na ng kanilang assembly plant sa bansa bago matapos ang taon. Bakit nga naman sila magpapaiwan dito kung napaka sulit ng iniaalok sa kanila ng kanilang lilipatan?”

Ang problema, ani Magsaysay, ay kung ano na ang mangyayari sa mga maiiwang walang trabaho dahil sa pag-alis ng kumpanya.

Bukod pa rito, pangit din para sa imahe ng bansa ang mga ganitong pangyayari dahil hindi maaakit na mag-invest ang iba pang negosyante gayung nag-aalisan na ang ilang mga multinational sa bansa.

“Bakit sila mamumuhunan sa bansa kung nag-aalisan na nga ang iba? Kapag ganito ng ganito ang business environment sa bansa, hindi malayong may sumunod pa sa Ford, abi ni Magsaysay.

Aniya, dapat itigil na ni PNoy ang pagsasalita ng mabubulaklak na pangako at imbes na gawin yun ay ayusin ang mga tunay na problema ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply