Forgive pwede, forget no way – PNoy

KATARUNGAN ang isa sa mga naging paksa ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, sa kanyang ika-3 SONA.

“Forgive , oo,  forget  hindi pwede.”

Ito ang sinabi ni Aquino hinggil sa mga nakaraang administrasyon na nagpasasa sa pwesto, nagpabaya at ginamit ang tungkulin upang magkamal ng salapi na nauwi sa pagkasadlak ng ekonomiya , pagkagutom ng marami at pagkakadiskaril ng mga institusyon.

Ayon kay Aquino, hindi maaaring magkaroon ng reconciliation ng walang katarungan, kaya kailangang dalhin sa hustisya ang mga nanungkulan noong nakaraan at papanagutin kung mapatunayang nagkasala.

Isa’t kalahating oras, tumagal ang ikatlong SONA ng Pangulo kung saan 40 pahina ang sipi ng talumpati nito. Sa unang SONA ay tumagal ang kanyang talumpati ng 37 minuto, sa ikalawa ay 48 minuto at pinakamahaba ang pinakahuling pagharap sa bayan na umabot ng isa’t kalahating oras.

Pinasalamatan ni Aquino si Ombudsman Conchita Carpio Morales, na ayon sa pangulo ay pinili na humarap sa impeachment proceeding laban sa dating Chief Justice Cororna sa ngalan ng pagmamahal sa bayan , kahit pa malagay sa panganib si Morales kung saan kamakailan ay hinagisan ng granada ang kanyang tahanan.

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga narses, doktor, mga guro, na piniling maglingkod sa mga liblib na lugar at lalawigan kaysa sa kaway ng dayuhang bansa at naalagaan ang sariling kababayan.

Makatarungan umano ang pagpapahinto ng industriya ng pagmimina ,ayon kay Aquino kung balato lamang ang napupunta sa gobyerno.

Posible ayon sa pangulo, ang mga pagbabago na noon ay di nagawa ng nakaraang administrasyon at ang lahat umano ng adhikain ng pamahalaan ay posible dahil na rin sa mamamayan na siyang dahilan upang mgaing posible ang lahat partikular ang pagtahak sa matuwid na daan at paggawa ng tama sa hanay ng pamamahala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply