Friday the 13th, inaalam kung pamahiin o totoo

DINAGSA ng mga komento ang iba’t ibang blog sites, hinggil sa mga paniniwala sa Friday the 13th kung ito ay may katotohanan o pamahiin lamang.

May mga nagsabing hindi dapat katakutan ang araw na ito dahil lamang sa iba’t ibang teorya at ang pagiging superstitious.

Batay kasi sa mga pamahiin, kapag hindi ka maingat sa tuwing matatapat ang petsa ng 13 lalo pa sa araw Biyernes ay talagang mamalasin ka tulad na lamang ng babangungutin ka kapag nagpalit ka ng bedsheet, kamatayan sa miyembro ng pamilya kapag nagpagupit, pagbagsak ng sinimulang negosyo ngayong araw, sunud-sunod na kamalasan kapag nakabasag ng salamin, at habambuhay na bad luck naman kapag ipinanganak ang isang tao ngayong araw.

Subalit may mga nagpahayag din ng kanilang pagkadismaya dahil nasa modernong henerasyon na raw ngayon kaya hindi na dapat pang maging big deal ang Friday the 13th.

Ang fear o takot sa Friday the 13th ay tinatawag na “friggatriskaidekaphobia.” Na kapag dumating ang araw na ito ay tila napraraning sila na may masamang mangyayari kahit nasaan man sila.

At dahil sa popularidad ng Friday the 13th, maging ang mismong number 13 ay kinatatakutan na rin na may mga celebrities na umalma sa pagdagdag ng ika-13 sign sa Zodiac na Ophiuchus na ang saklaw ay mga ipinanganak sa November 29 hanggang December 17.

Ang phobia rin daw ang dahilan kung bakit walang 13th floor sa mga gusali gayundin ang pag-iwas ng mga airlines sa number 13 sa mga airplane rows o sa arrival gates, at maging sa mga mahahalagang event ay hindi itinatapat sa number 13.

Mayroon naman na naniniwala na ang numero trese ay hindi malas bagkus ay nagdadala ng suwerte sa mga nagsususot nito tulad na lamang ni ex-PBA basketball star na si Marlou Aquino na ang paboritong jersey ay number 13.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply