Fruit vendor todas sa pick-up truck ng pari

PATAY sa aksidente ang isang fruit vendor nang suwagin ng isang pick-up truck na minamaneho ng isang lasing na pari ang kanyang pinatatakbong traysikel sa Nueva Vizcaya nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si  Francis Rambion, residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakakulong sa Bayombong PNP at nakatakdang sampahan ngayong araw (Hulyo 2) ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property laban sa suspect na si Father Rene Caligue na tumangging ibigay ang parokyang kanyang pinaglilingkuran.

Sa ulat na nakarating sa  Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 7:40 nitong Linggo ng gabi sa isang bisinidad ng national highway sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon kay SPO4 Bernard Tapiru, ng Bayombong PNP traffic sector, bago ang insidente ay lulan sa kanyang traysikel ang biktima para mag-deliber ng mga prutas sa pampublikong palengke habang ang suspect naman ay nasa likod nito at lulan naman sa kanyang Toyota pickup truck na may plakang (CMT-580).

Pagsapit sa lugar at sa hindi malamang dahilan ay biglang sinuwag ni Caligue ang traysikel ni Rambion na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Nauna rito, nasagi na rin ng pick up truck ni Caligue ang traysikel ng isang Fritz Gerald Pacis pero tinakasan din sila ni Caligue.

Hinihintay na lamang ang resulta ng eksaminasyon ng pulisya para malaman kung talagang  nakainom ng alak si Caligue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>