Gaano kahalaga si Migz Zubiri sa una?

HINDI pa man halos nakapag- uumpisa ay puno na ng sigalot ang United Nationalist Alliance (UNA), ang coalition ng PDP-Laban at ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Ang president ng PDP-Laban ay si Koko Pimentel at si Erap Estrada naman ang pangulo ng PMP.

Oo nga’t president ng PDP Laban si Koko, pero ang bosing talaga riyan sa aking palagay ay si Vice President Jojo Binay na ang boss naman ay si Erap.

Si Binay ang gusto ni Erap na maging Pangulo ng Pinas matapos ang term ni President PNoy. At gusto rin ni Erap na sina Koko at Migz Zubiri ang manalong mga senador sa darating na senatorial elections.

Ewan ko kung may kung anong plano itong si Erap. Alam naman niyang si Koko at si Migz ay mortal na magkaaway. Kapwa sila nagbibintangan sa isa’t isa ng pandaraya sa nakaraang elek-siyon.

Ngayon ay umalis na nga si Koko sa coalition, pero siya lang ang umalis, hindi kasama ang kanyang partido na siya mismo ang presidente.

Si Migz naman ay no talk lamang. Si Migz ay kaalyado ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na sangkot sa dayaan sa nakaraang dalawang eleksiyon.

Eh bakit ba naman isinama si Migz sa UNA samantalang pro-Gloria siya? Ang ibig bang sabihin niyan ay ang tunay na coalition ay ang mga pangkat nina Gloria, Binay at Erap?

May nagsasabi ring si Gloria mismo ay kakampi na ni Erap sa kabila ng bintang na inagaw lamang niya kay Erap ang puwesto?

May nagsasabi rin na kailangan ng UNA nina Erap at Binay ang pera ni Gloria para magkaroon sila ng malaking campaign fund.

Pero paano naman si Koko?  Magulo ang kanyang mga statement. Parang bakla. Parang binabae, sabi ng mga intrigador at mga intrigadora. Ay, Dios ko, day.

Sabi ni Koko, siya pa rin ang pangulo ng PDP-Laban, pero kung tungkol sa coalition, hindi raw siya kasama riyan.

Ano ba talaga, bosing. Ipakita mo na ikaw talaga ang bosing ng partido mo.

Batsi na kayo riyan sa UNA. Ipakita mo na may prinsipyo ka. Huwag kang parang bagyong paiba-iba ang isip, ang direksiyon.

Speaking of bagyo, ngayon ay may mga lalaki nang bagyo, kasi paiba-iba na rin ang isip nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply