Gabay sa pagkuha ng ICC sticker

BAGO po kayo magtungo sa mga designated venues ng Department of Trade & Industry (DTI) ay kailangang dalhin ang inyong motorcycle helmet at isang government-issued ID (Driver’s License, SSS, PRC, Passport, etc.). I-photocopy ang inyong dalang ID.

Ang ICC (Import Commodity Clearance) sticker po ay para lamang sa motorcycle riders sa National Capital Region. Wala pong kailangan bayaran sa pagkuha ng ICC sticker.

– Magtungo sa pinakamalapit na designated venue Lunes hanggang Biyernes 8am-5pm.
– Kumuha ng application form mula sa Table 1 at sagutan. Maaari ring i-download ang application form  sa www.bps.dti.gov.ph.
– Ipresenta ang application form, kopya ng government ID, at motorcycle helmet sa Table 2. Kumuha ng control number.
– Pagtawag sa iyong numero ay pumunta sa Table 3 para sa pagsusuri ng helmet.
– Kung nakapasa sa pagsusuri, pumunta sa Table 4 para sa pagdikit ng ICC sticker sa inyong helmet.

DTI designated venues:

Pasay City – Mezzanine floor, Roxas Strip Bldg, Roxas Blvd. cor. Arnaiz Ave.
Makati City – G/F The Atrium, Makati Ave. cor. Paseo de Roxas
Mandaluyong City – Highway 54 Plaza, 986 Stanford St. Cor. EDSA
Valenzuela City – The New City Hall Compound, McArthur Highway, Brgy. Karuhatan

Pwede rin pong tumawag sa DTI Hotline 7513330. Bagama’t sa Disyembre 31, 2012 pa ang deadline sa pagkuha ng ICC sticker ay mabuti na ring agahan ang pagkuha nito kung may libreng panahon rin lang.

*****

Congratulations sa Ford Group Philippines sa kanilang isa na namang bagong produkto, ang 2012 Ford Mustang! Opo, ‘andito na sa bansa ang muscle car na namayagpag ng ilang dekada halos sa buong mundo.
May dalawang modelo ang 2012 Mustang, isang 3.5L V6 Premium na may halagang P2.499 milyon at ang 5.0L V8 GT Premium na nagkakahalagang P2.899 milyon.

*****
IniimbitahankopokayongmakinigsainyonglingkodtuwingMartes at Huwebes, 2:00 p.m. parasaINSIDE MOTORING RADIOsa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo.

Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelinkch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanoodrinitosaiba’t-ibangmga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o ‘di kaya’y mag-text sa 0918-4479006.
Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply