‘Gabi ng parangal’ kay Nixon Kua

INIIMBITAHAN ni National Press Club (NPC) president Benny Antiporda ang lahat ng opisyal, mga miyembro ng NPC at iba pang mga kasapi ng media para sa isang ”Gabi ng Parangal’ para kay Nixon Kua, 49, isang beteranong reporter at kolumnista ng Philippine Star Group of Publications.

“Ang parangal para kay Nixon ay simpleng pagkilala ng NPC sa kanyang ipinakitang katapatan sa ating samahan at kababaang-loob sa kabila ng mga biyaya at tagumpay na kanyang natamo noong siya ay nabubuhay pa,” ani Antiporda.

“Tunay na ehemplo si Nixon bilang isang mamamahayag– hindi siya ‘nalasing sa kapangyarihan’ at nanatiling tapat sa mga adhikain ng NPC na nakasaad sa ating Code of Ethics,” dagdag pa ni Antiporda.

Ang parangal ky Nixon ay gagawin ngayong Sabado ng gabi, 8:00pm, sa Room 312 ng Sanctuarium Chapel, Araneta Avenue, Quezon City.
Napatay si Nixon matapos barilin ng apat na armadong suspects na nagnakaw sa kanyang bahay sa Calamba City, Laguna, noong gabi ng Hulyo 21.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply