Gambling sa Pampanga at incentive sa bus driver

MULA sa dating porsiyento, ngayon ay ginawa nang sa-hod na hindi bababa sa “mi-nimum wage” ang magiging income ng mga bus driver dito sa Metro Manila.

Paraan umano ito para hindi na masyadong maki-paghabulan at makipag-gitgitan ang mga bus driver dahil hindi na sila maghaha-bol ng porsiyento.

Ang epekto ay mababa-wasan na rin ang mga aksi-dente sa kalsada.

Ang siste, parekoy, mas-yado itong kapiranggot kum-para sa dating kinikita ng mga driver na nasa P1,500 “eve-ry other day” noong porsi-yento ang partida sa kanila.

Dahil dito, inoobliga ng pa-mahalaan ang mga bus com-pany na maliban sa sahod ay bigyan rin ang mga driver ng tinatawag na insentibo.

Eh, di ganun din? Maghaha-bulan na naman uli sila!

Hindi raw, ayon sa gobyerno, dahil ang insentibo ay para sa sinomang walang disgrasya o pinakamaingat na tsuper! Sus Ginoo, eh di usad-pagong naman ang gagawin ng mga driver, tutal sigurado na ang kanilang mga sahod.

Wala na silang pakialam kung 10 oras abutin ang Monu-mento-Baclaran, bahala na rin kung malugi na ang kompanya basta may insentibo!

Mag-isip-isip naman kayo!

oOo

ITINANGGI, parekoy, ni Pam-panga PNP Provincial Director S/Supt. Ed Tinio na collector niya itong si Sgt. Lennon.

Pero hindi maitanggi ni Col. Tinio na laganap nga ang sugal sa buong lalawigan ni Gov. Lilia Pineda na asawa ni “known gambling god” Bong Pineda.

Langya namang senaryo na ‘yan, Col. Tinio, ibig sabihin, alam mong laganap ang sugal sa iyong AOR pero wala kang ginagawa para matigil ito?

Aminado ka ba na inutil ka?

Hindi ka ba naniniwala na kaya hindi ito pinatitigil ng iyong mga Chief of Police dahil may “lagay” ang mga ito sa iyong mga COP?

Mula P01 hanggang sa mga COP ay may patong, tapos sa iyo lang wala?

Tangna naman, Col. Tinio, kahit sinong gago ay hindi maniniwala sa iyo. . .

Lalo namang hindi manini-wala sa iyo si PNP Chief!

Ipahuli mo na kasi ‘yang si Sgt. Lennon para kapani-paniwala ka naman!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply