Gatdula pinasasagot sa kasong pananambang

INATASAN ng Department of Justice (DOJ) ang kampo ni dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula na maghain ng counter affidavit  bilang sagot sa mga alegasyon na may kinalaman sa kasong frustrated murder.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa naganap na pananambang  kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda noong Pebrero, 2012 ngunit nakaligtas ng ilang armadong lalaki kung saan itinuturong mastermind si Gatdula .

Maliban kay Gatdula, sangkot din sa demanda ang ang kanyang labindalawang (12) malalapit na kaibigan at mga dating tauhan.

Isasalang sa preliminary investigation ng DOJ si Gatdula at mga kapwa respondent sa Hulyo 24, 2012, isang araw matapos ang Sate of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Tiniyak naman ng DOJ na magiging patas ang paghawak sa kaso sa kabila ng mga isyu ng bangayan nina Justice Sec. Leila de Lima at ng nasibak na NBI chief.

Pangangasiwaan ang imbestigasyon nina Assistant State Prosecutors Gino Paolo Santiago at Rassendell Rex Gingoyon, pati na ni Prosecution Attorney Gerard Gaerlan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply