Gawaran rin ng National Artist award si Anita Linda

SA paglisan ni Dolphy na hindi nagawaran ng National Artist Award, nabuhay naman ang pagsusulong sa Industriya upang igawad na sa beterana at dakilang aktres na si Ms. Anita Linda ang inaasam-asam ng lahat na National Artist Award.

Sa edad na 87 ay Isang Tunay na National Artist si Bb. Anita Linda na gumaganap na tanghalan, radio, telebisyon, at pelikula.

Nauna pang nag-artista si Ms. Anita Linda noong 1940 compared kay Dolphy. Marami ang nagpasabi na ang dakilang aktres ang counter part ng actor na si Manuel Conde na Awardee na. Mabuhay si Ms. Anita Linda!

***

Vice Gov. Daniel Fernando at Gov. Willy Alvarado, luksang parangal kay Dolphy

NAUNA na ang tambalang Gov. Willy Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando ng Bulacan na nagbigay nang Luksang Parangal kay Dolphy. Lingid sa lahat, kahit Tondo Boy si Dolphy, siya ay tubong Balagtas, Bulacan kaya tinang- hal siya bilang Dakilang Lipi ng Bulacan.

Personal na nagpunta sina Gov. Willy Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando na dala ang Bulacan Resolution ng pakikiramay. Bilang isang actor, malaking kalungkutan ang nadama ng kapwa actor at Vice Gov. na si Daniel sa pagyao ni Dolphy na pinakamamahal niya at labis na iginagalang sa Industriya. Buhat po kina Gov. Willy at Vice Gov. Daniel Fernando at sa mga Bulakenyo, taos puso pong pakikiramay sa Pamilya ni Dolphy, The Comedy King Forever.

***

Jake Vargas vs Daniel Padilla, ayaw paawat ang mga fans

Aba! tila ang dalawang Idol na ito talaga ang magkakabangga sa popularidad. Star si Jake Vargas ng Seven at star naman si Daniel ng Dos. At ang mga fans nila ay nagkakainitan. Well wala po tayong kinakampihan sa mga fans ng dalawa at open po ang column na Big Time sa dalawang kapuso ng mga fans. Jake Vargas VS Daniel Padilla, kanino Kayo?

***

Mga fans ni Albie Casino ang sasagot kina Jacklyn at Andi

NAKAPANAYAM natin si Veronica Lim, Presidente ng Albie Casino fans club, Bulacan Chapter.

Sila na raw ang sasagot sa mga patutsada nina Jacklyn at Andi sa kanilang Idolo. Sobra raw disente ang pamilya nitong si Albie o para madamay sa anumang gulo. kaya abangan na lamang natin ang mga sagot ng grupo ni Veronica Lim sa patutsada nina Andie.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply