‘Gener’ nag-iwan ng dalawang patay; ekonomiya apektado

NAKAPAGTALA ang typhoon Gener ng dalawang patay at pansamantalang naapektuhan ang takbo ng ekonomiya ng bansa matapos na suspindihin ang operation ng mga tanggapang pribado at pampubliko at maging ang mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Bgen Benito Ramos, may dalawangkatao na ang naiulat na nasawi dulot nang masamang lagay ng panahon nailang araw ng nanalasa sa malaking bahagi ng bansa at inaasahangmagtatagal pa ng hanggang Miyerkules.

Sa ulat na natanggap ng NDRRMC, kinilala ang mga biktima na sina Roland Necor ng Bugasong, Antique na namatay matapos malunod, habang isang Ernesto Flores naman ang inulat na namatay sa sumadsad na Roll Off Roll on vessel (RORO)  sa karagatang sa Romblon .

Kinumpirma ito ng  Philippine Coast Guard sa kanilang ulat sa Office of Civil Defense at NDRRMC kung saan 57 pasahero nito ang nailigtas makaraang magka aberya ang m/v Shuttle RORO 1 bandang alas 7:00 ng gabi kamakalawa habang papunta sana ito ng Odiongan, Romblon mula Dumaguit, Kalibo Aklan .
Bagama’t inaalam pa ang tunay na sanhi sa pagkamatay ng biktima pero nabatid na nagkaroon ng aberya ang sasakyan pandagat dahil sa malalakas na hampas ng alon sa karagatan habang nagtatangkang sumilong sa Agoho, Looc Bay, Romblon.

Nang maramdaman ng kapitan ng barko na kinilalang si Capt Eric Solideo na mabilis ang pagpasok ng tubig sa kanyang barko ay nagdeklara ito ng abandoned ship, ayon naman s aulat na ibinahagi ni PNP Spokesman at PNP Police Community Relation Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.

Ganap na alas 5:00 ng umaga ay nakumpleto ng Philippine Coast Guard ang pagliligtas sa 75 pasahero.

Samantala, paralisado ang pasok sa mga maraming opisina at mga paaralang pampubliko at pribado dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Sa Metro Manila, mahigit 100 kabahayan din ang nawasak matapos hampasin ng dalawang barge sa Tondo District. Kasalukuyan na ring nakikisilong sa itinalagang evacuation centers ang mga biktima.

Sinasabing mahigit 2,130 pamilya rin umano ang inilikas mula sa mga lalawigan ng Central Luzon, Mimaropa (Region 4-B) at Western Visayas dahil sa pag-ulan at mga pagbaha.

Kaugnay pa nito kinansela a ang  klase sa Metro Manila simula pa kahapon ng umaga mula pre-school hanggang high school sa mga pribado at pampublikong eskuwelahan sa  Quezon city, San Juan,  Maynila, Navotas, Pasig, Valenzuela, Caloocan,  Makati, Muntinlupa, Malabon, Pasay, Taguig, Parañaque, Marikina at Las Piñas.

Kabilang na rito ang ilang kolehiyo at unibesidad gaya ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa lahat ng campus nito sa Metro Manila; De La Salle University (DLSU) sa Taft, Makati at Ortigas extension campus; St. Paul’s College sa Quezon City;  National University;  City College of Manila;  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila;  College of St. Benilde pati opisina; – University of the East (UE) Manila at Caloocan;  Centro Escolar University (CEU), lahat ng campus at  UP Manila.

Gayundin ang  mga karatig lalawigan tulad ng Obando, Bulacan;preschool hanggang high school naman sa Malolos City; buong lalawiganng  Laguna; wala ding pasok sa Angono, Cainta, Antipolo, Tanay,Taytay, Teresa, Morong at Rodriguez Rizal; wala na ring klase sapreschool hanggang high school sa Dasmariñas, Kawit, Bacoor, Naic atRosario sa Cavite.

Nagbabala naman ang Pagasa na mananatili pang hanggang Miyerkules angnararanasang pag-ulan sanhi ng pinakikitang pagbagal ng ng kilos ng tropical storm “Gener” habang patuloy na nanalasa  sa dulong hilagang Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 310 kilometers sasilangan-hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 85 kilometers per hour(kph) malapit sa gitna at may pagbugong umaabot ng 100 kph.Bumagal ang kilos nito sa bilis na 11 kph patungong sa direksyon napa-hilaga-hilagang kanluran.
Nakataas pa rin ang storm signal No. 2 sa lalawigan Cagayan, CalayanGroup of Islands at Babuyan Group of Islands.

Habang nananatili ang babala ng bagyo bilang isa (signal No. 1) saIsabela, Kalinga, Apayao at Batanes Group of Islands.

“Residents living in low lying and mountainous areas under PublicStorm Warning Signals are alerted against possible flashfloods andlandslides Likewise, those living in coastal areas under Public StormWarning Signal #2 are alerted against big waves or storm surgesgenerated by this tropical cyclone.”

Nagbabala rin ang mga kinauukulan sa mga maliliit na bangka atsasakyang pandagat na iwasan ang paglalayag dahil sa inaasahangmasungit na panahon sa karagatan.

“Fishing boats and other small seacrafts are advised not to ventureout into the Seaboards of Central and Southern Luzon, Visayas andeastern seaboard of Mindanao due to the combined effect of TropicalStorm “Gener” and the Southwest Monsoon,” ayon sa Pagasa.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply