‘Gener’ nananalasa sa Cagayan, Calayan, Babuyan, Batanes

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical andAstronomical Services Administration (PAGASA) na bahagyang humina angpagkilos ng tropical storm ‘Gener’ habang patuloy na kumikilos sadireksyon ng Hilaga, Hilagang-Kanluran ng bansa

Sa kasalukuyan nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Cagayan, kasama naang Calayan at Babuyan Group at Batanes Group of Islands.

Samantala, nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Isabela, Kalinga at Apayao.
Inaasahang mas pag-iibayuhin ni tropical storm Gener ang Southwest Monsoon na magdadala naman ng mga pag-ulan sa Sentral, Katimugang Luzon, Visayas at sa hilagang Mindanao.

Ayon pa sa ulat ng PAGASA dakong alas-4:00 ngayong umaga, na nasa 330km Silangan, Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan si Gener na nagtataglay ng hanging 105 kph malapit sa gitna.

Inaasahang kikilos si Gener sa direksyon ng Hilaga, Hilagang-Kanluran sa bilis na 11 kph.

Residenteng malapit sa ilog binalaan ng RDMMC-ARMM

NAGBABALA ang Disaster Risk Reduction management  Council–Autonomous Region in Muslim Mindanao (RDMMC-ARMM) bunga ng sunodsunod na buhos ng ulan  dala ng low pressure area sa Eastern Mindanao.

Ayon kay Ret Brig. General Loreto Rirao, Regional Director ngRDRRMC-ARMM, tumaas na ang water level  sa Liguasan Marsh at Riogrande de Mindanao.

Samantala, inilagay sa surveillance  ng 6th ID ang mga komunidad na nasa riverside  dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ilang barangay na rin sa lungsod ng Cotabato ang binaha simula panoong Biyernes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay Sam Mundas, kabilang sa mga barangay na lubog sa tubig angmga barangay ng Tamontaka, Kalanganan at Poblacion.

Sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao ay ilang barangay na rin anglubog sa tubig baha

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply