Generals lumuhod sa Knights

TINARAK ng host Letran Knights ang ikalawang sunod na panalo upang unti-unti itong makaahon sa team standings ng 88th NCAA men’s senior basketball tournament.

Pinaluhod ng Knights ang Emilio Aguinaldo College Generals, 65-62 kahapon sa out of town game sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz Laguna upang ilista ang 3-3 win-loss card habang nagwagi naman ang College of Saint Benilde Blazers sa Arellano U Chiefs, 80-73 sa overtime sa pangalawang laro.

Nagsosolo sa panglimang puwesto ang Intramuros-based Letran na matapos manalo sa unang game kontra last year’s runnerup San Sebastian College Stags, 80-74 ay natamo nito ang tatlong sunod na kabiguan.

May 3-4 panalo-talo karta ang Blazers habang laglag sa 2-4 ang Chiefs.
Nakabaon naman sa ilalim ng team standings ang Generals na may 1-5 baraha.

Samantala, pakay ng Jose Rizal University Heavy Bombers na pasabugin ngayong 6 ng gabi sa The Arena sa San Juan ang Lyceum of the Philippines Pirates upang masolo ang top spot.

Kasosyo ng Heavy Bombers sa unahan ang defending champion San Beda College Red Lions at Stags na may 4-1 karta.

Sa unang laban ay maghaharap ang Mapua Cardinals at Perpetual Help Altas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply