Genuino, 3 pa kinasuhan ng plunder

KINASUHAN ngayon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ng plunder at graft charges laban kay dating PAGCOR chairman Efraim Genuino at tatlong iba pa hinggil sa umano’y overpriced coffee products na ibinenta sa mga sangay ng Casino Filipino.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina dating PAGCOR President Rafael Francisco, dating PAGCOR Senior Vice President and Senior Managing Head of Research Development Department Rene Figueroa, at ang may-ari ng  Promolabels na si Carlota Cristi Manalo-Tan.

Ayon sa reklamo, noong 2001 hanggang 2010, ay initusan ng tatlong Pagcor official ang lahat ng Casino Filipino branches na pumasok sa isang kasunduan sa Promolabels para magkasa ng coffee concessionaire Manalo-Tan sa pamamagitan ng pagbenta at pag-purchase ng overpriced Figaro coffee products.

Nadiskubre ng audit team ng Pagcor na mula 2005 hanggang 2008 lamang, nagbayad ang limang Casino Filipino branch ng P258 milyon sa Promolabels para sa naturang coffee products.

Sa imbestigasyon, ng kasalukuyang Pagcor board, natuklasan na inaprubahan ni Genuino ang isang resolution noong Mayo 16, 2001 ang pagbibigay ng kahilingan ng Figaro Coffee Company na makapagtayo ng coffee kiosks sa lahat ng Casino Filipino branches na ang presyo ng mga inumin ay kahalintulad ng mga presyo sa ‘malls.”

Pitong coffee kiosk ang naikasa ng Figaro Coffee Company  sa pitong casino branch. Napansin din ng Pagcor na si Manalo-Tan ay misis ni Johnny Tan, isang ally ni Genuino.

Bukod sa na manopolya ng Promolabels ang pitong kontrata hindi rin ito dumaan sa public bidding, dagdag pa ng Pagcor.

Ibinuyag din ng Pagcor na ang Promolabels ay hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission.

“For the years 2005 to 2008 alone, PAGCOR could have saved at least P78 million if only the prices of Promolabels’ Figaro coffee products were the same as those of other Figaro franchisees,” pahayag pa sa reklamo  ng state-owned gaming firm.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply