Ginang aksidenteng nabaril, patay

PATAY ang isang ginang makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang ka-live in-partner na pulis sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Nenita Pediga Fernand, 32, ng 159 Pook dela Paz Barangay Old Balara, QC.

Si Fernand ay nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala ng baril sa kanang tiyan.

Sumuko naman ang suspek na si PO3 Arsenio Gardon, 42, PNP member at nakatalaga sa Makati Police.

Ayon kay SPO1 Rafael de Peralta ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong 5:30 ng hapon kahapon sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi sa ulat na nagdidiskarga umano ng bala ng baril ang pulis na si Gardon nang biglang pumutok ang service firearm nito na kalibre .9mm na baril.

Tinamaan ang ka-live-in nito na natutulog noon sa loob ng kanilang kuwarto na ikinamatay nito.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang pulis bunga ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply