Ginang sinuwag ng motorsiklo, todas

NALASOG ang katawan ng isang ginang na may apat na anak nang suwagin ng sasakyan ng pulis na lango sa alak sa Albay kagabi (Hulyo 24).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Melanie Bugate residente ng Bayan ng Bacacay.

Nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspekt na si PO3 Antonio Beltran, na nakadestino sa PNP Sto. Domingo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas -0:45 kagabi sa national highway ng Brgy. Bacacay.

Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay tumawid ng kalsada ang biktima at hindi napansin ang mabilis na pagdating ng motorsiklo ng suspek.

Sa isang iglap, sinuwag ng motorsiklo ng suspek ang biktima at sa lakas ng pagkasasalpok ay tumilapon sa ere.

Ayon kay P03 Oscar Banico, ng PNP Baracay nagtamo rin ng malaking sugat sa ulo ang suspek at sinasabing lasing ito nang maganap ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply