Ginang tinamaan ng ligaw na bala, patay

PATAY ang isang 33-anyos na ginang nang tamaan ng ligaw na bala sa kanyang ulo makaraang magpaputok ng “sumpak” ang kanyang nagwawalang kapitbahay kaapon sa Las Piñas City.

Dead on the spot ang biktimang si Sharon Abainza, residente ng Everlasting Homes, Barangay Talon 4 sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Agad namang tumakas ang suspek na si Felicito Tizon, 54, cigarette vendor at residente rin sa naturang lugar makaraan ang pamamaslang, bitbit ang ginamit na sumpak.

Sa pahayag ng testigong si Naliza Bunabog, 28, kay Las Piñas Police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, nangyari ang insidente ng pamamaslang pasado alas-3:00 ng hapon sa Everlasting Homes.

Lasing umano ang suspek at sa hindi pa batid na dahilan ay hinamon ang kanyang mga kapitbahay ng away habang bitbit ang improvised gun o sumpak.  Nang walang pumatol sa kanyang paghahamon, pinaputok ng suspek ang kanyang baril at tinamaan ng bala sa ulo ng biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ni Sr. Supt. Sapitula upang madakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply