Ginastos sa welcome marker, binatikos ng mga taga Pasay

PINASINAYAAN ni Pasay City Mayor Antonino Calixto kaninang umaga ang welcome marker na pinondohan diumano ng milyon-milyong halaga ng salapi ng lokal na pamahalaan.

Ang  marker ay sumisimbolo sa Pasay Travel City ay itinayo sa Senator Gil Puyat Avenue, sa hanggahan ng Pasay at Makati.

Ayon kay Calixto at mga konsehal, makatutulong ang marker para makikilala umano ang lungsod sa pag-unlad ng turismo sa bansa.

Binatikos naman ng mga resaidente ang malaking halagang ginugol ng pamahalaang lunsod sa marker na dapat sana ay inilaan para sa mga maralitang Pasayeño na naghihikahos sa buhay.

Hindi umano makikinabang ang Pasayeño kung ipakikilala ang lungsod bilang gateway to Philippine Island at maipabatid na naririto ang pinakamalaking mall sa Asia at convention center kung kumakalam naman ang sikmura ng residente, pasaring ng ilang residente.

Ayon sa mga tagamasid , mas kailangan umanong paglaanan ng pondo ang peace and order dahil lumalaganap at talamak na kriminalidad tulad ng robbery hold-up, senseless killing at walang habas na pamamaslang sa Pasay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply