Globe telecoms bingi sa mga reklamo ng subscribers

NAGBIBINGI-BINGIHAN ang pamunuan ng Globe Telecommunications kaugnay sa mga kapalpakan ng kanilang serbisyo na nagiging dahilan ng pag-atras ng maraming subscribers.

Hindi aniya pinakikinggan ng pamunuan ang lumolobong reklamo sa kanilang serbisyo lalo na ang patuloy na kawalan ng aksiyon sa echo system kung saan nauubos ang load ng isang subscriber dahil ang naririnig ng tumatawag ay kanya ring boses sa halip na ang boses ng tinatawagan.

Nagtataka ang subscribers kung paanong kinakagat naman ng ibang mga kompanya ang pakulo ng Globe sa pamamagitan ng pakikipag-tie up sa kapalit ng pagbebenta ng load ng isang kompanya na eksklusibo lamang para sa Globe.

Tulad na lamang ng isang kompanyang nagbebenta ng gamot na sa pag-aakalang pupuntahan sila ng mga customer dahil ka-tie up nila ang higanteng kompanya na sa halip na bumenta ang kanilang mga produkto ay nilangaw pa dahil sa pagkairita sa serbisyo ng naturang telecom company.

Naiinip na rin ang iba pang naiiritang subscribers sa paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa  Data Privacy Act na ipinasa na ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang magamit sa paghaharap ng kaso laban sa Globe.

May hinala kasi ang post subscribers na may kinalaman ang dambuhalang kompanya sa pagbibigay ng personal nilang impormasyon at cell number sa mga kompanyang nag-aalok ng iba’t ibang uri ng serbisyo at produkto.

Maraming post subscribers ang bigla na lamang tatawagan o ite-text sa kanilang cellphone ng ilang mga kompanya at aalukin ng kanilang serbisyo o produkto gayung hindi naman nila ibinibigay sa mga ito ang kanilang cell number.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply