Gloria nakaalis na sa Tagaytay City

NAKAALIS na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Tagaytay City kung saan namalagi siya ng isang gabi sa isang wellness doon.

Ayon sa tagapagsalita nitong si Elena Bautista-Horn, nais nang magbalik-trabaho ng dating Pangulo dahil matagal na rin siyang hindi nakapagtrabaho sa kanyag distrito buhat nang i-hospital arrest.

Pinayagan naman si Ginang Arroyo ng Veterans Memorial Medical Center na makauwi sa kanyang distrito ngunit kailangang minimal lamang ang pagsasalita nito at dapat na laging nakasuot ang neck brace.

Sinabi rin sa ulat na may posibilidad na magpa-stem cell treatment ang dating Pangulo.

Ito na ang ikatlong araw sa labas ng VMMC ng dating Pangulo matapos na payagang magpiyansa sa kinakaharap na electoral sabotage case.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply