GMA ‘di dapat magbunyi – Malakanyang

HINDI umano dapat magbunyi ang kampo ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa pagbabalik ng Sandiganbayan sa plunder case sa Ombudsman at hindi muna naglabas ng arrest warrant.

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ng kampo ni Arroyo na suspendihin ang plunder proceedings habang hindi pa nareresolba ang kanilang motion for reconsideration.

Una ng hiniling din ng Ombudsman sa korte na ipaaresto na si Arroyo matapos pagbigyan ng Pasay City RTC ang petition for bail sa kasong electoral sabotage.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maituturing na procedural matter ang ginawa ng Sandiganbayan at walang kinalaman sa merito ng kaso.

“I don’t quite think it should be taken as a refusal. From what we understand, binalik po sa Office of the Ombudsman. Procedural matter po ito, dinirektahan po ‘yung Office of the Ombudsman na tapusin po ‘yung kanilang preliminary investigation to resolve the motion for reconsideration, and then to go back to the Sandiganbayan kung ifa-file po ‘yon or hindi. From what we understand, from our point of view, these are procedural matters that the Sandiganbayan ordered the Office of the Ombudsman to comply with,” ani Valte.

Ayon kay Valte, nais lamang ng korte na tapusin ng Ombudsman ang preliminary investigation bago ibalik sa kanilang sala ang plunder case.

Bahala na rin umano ang Ombudsman sa kanilang susunod na hakbang at hindi nanghihimasok ang Ehekutibo sa isang independent body.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply