GMA ihouse arrest na lang – Arch. Cruz

MAUUWI sa matinding kaguluhan kapag lumala pa ang sakit at tuluyang namatay dahil sa panggigipit ng kasalukuyang administrasyon si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ito ang papanaw ni dating Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz,  kasabay ng suhestyon na pag-house arrest na lang kay Ginang Arroyo.

Ginawa ng Arsobispo ang kanyang pahayag dahil na rin sa pagnanais ng administrasyon na mailipat ito sa ordinaryong kulungan para pagdusahan ang kanyang kaso.

Paliwanag ni Arch.Cruz, bigyan aniya ng konsiderasyon si Arroyo dahil siya ay babae.

Inihalimbawa pa ng Arsobispo ang ginawa noon kay dating Senador Benigno Noynoy Aquino na hinayaan na makalabas ng bansa, gayundin kay dating Pangulong Joseph Estrada na pina-house arrest lang sa Tanay Rizal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply