GMA, malabong mapatalsik sa Kamara – Gonzales

MALABONG mapatalsik bilang kongresista si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit may mga kaso pa itong nakasampa laban sa kanya.

Ito ang tiniyak ni House Majority Leader Neptali Gonzales II kahit may panibagong kasong plunder na inihain sa Sandiganbayan at electoral sabotage ay wala pa naman aniyang pinal na hatol ang korte ukol dito.

Paglilinaw pa ni Gonzales na maging ang House Committee on Ethics ay walang hurisdiksyon kay GMA dahil ang mga isinampang kaso laban sa kanya ay sinasabing naganap noong hindi pa siya kongresista ng Pampanga.

Hindi, aniya, maaaring ikumpara ang kaso ni GMA kay dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo na pinatalsik sa Kamara dahil kasama sa final judgement ang maalis ito at hindi na payagang muling humawak ng anumang government o public office.

Katunayan, aniya, ay maaari pang tumakbo si Arroyo para sa ikalawang termino ng pagka-kongresista at walang pipigil sa kanya sa Kamara.

At kung papayagan din ayon kay Gonzales si GMA na dumalo ng State-of-the-nation Address ni Pangulong Aquino sa July 23 ay hindi  ito pipigilan at hindi maaaring pigilan kung bibigyan ito ng pahintulot ng korte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply