GMA, malaki ang posibilidad na tumakbo sa 2013 polls

MALAKI ang posibilidad na tumakbo muli dating Pangulong Gloria Arroyo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga sa 2013 mid-term elections.

Kinumpirma ito ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Arroyo matapos ang mainit na pagtaggap ng mga “Cabalen” ng dating Pangulo nang dumalaw ito sa kanyang mga kababayan sa Pampanga.

Ayon kay Bautista-Horn, masusing pinag-iisipan na umano ng dating Pangulo ang muling pagtakbo sa Kongreso sa susunod na taon.

Isang mainit na pagtanggap ang isinalubong kay Arroyo mula sa mga kababayan nito sa Porac at sa homotown nito sa Lubao na nasa ikalawang distrito ng lalawigan.

Ayon kay Bautista-Horn malaki ang posibilidad

Sa kabila nito, limitado pa rin umano ang galaw ni Arroyo dahil kailangan pa rin nitong isuot ang kanyang neck brace.

Ayon naman sa kaalyado ni Arroyo na si Candaba Mayor Jerry Pelayo,lubha umanong na encouraged si Arroyo sa naging pagsalubong sa kanya ng kanyang mga Cabalen kahit na pagod sa biyahe ay masaya pa rin nito matapos na makita ang mga kababayan.

Natapos ang hospital arrest ni Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong Miyerkules itong payagang magpiyansa ng P1 milyon sa Pasay Regional Trial Court (RTC) para sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply