EX-PGMA pinayagang makapagpiyansa

PINAYAGAN na ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang inihaing petition for bail ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa kinasasangkutang kasong electoral sabotage.

Sa resolusyon na inilabas ni Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas na pinirmahan kahapon, pinayagan nitong makapagpiyansa si Ginang Arroyo habang ibinasura naman ang motion to bail ni dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Patungo na ngayon sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang court sheriff ng Pasay RTC para ihain ang naturang resolusyon.

Ang pagpabor ng korte ay nang mabigo ang Comelec na magharap ng testigo makaraang mabatid na nawawala ang isa nilang saksi na si dating Maguindanao election officer Russam Mabang.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dahil sa insidente ay nagpasya silang huwag na ring paharapin sa pagdinig ang kanilang pangunahing testigo na si dating Maguindanao provincial administrator Norie Unas para hindi makompromiso ang kaligtasan nito.

Samantala, sa August 23 na nakatakda ang unang araw ng pre-trial ng kasong electoral sabotage ni Gng. Arroyo, Atty. Bedol at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Wala naman pang tinakdang petsa sa pre-trial para sa kaso ni Abalos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply