Gobernador pinaiimbestigahan sa illegal mining

PINAIIMBESTIGAHAN ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo si  Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado matapos na idawit ito sa iligal na pagmimina ng iron ore sa gold-rich towns ng Paracale at Jose Panganiban.

Ipinag-utos ni Robredo ang imbestigasyon makaraang makatanggap ng maraming reklamo hinggil sa iligal na pagmimina sa nasabing lalawigan mula sa  mga organization at environmentalist group.

Noong June 18, 2012, nagpadala ng reklamo si Rio G. Paliza, pangulo ng Paracale chapter of the Junior Chamber International Philippines kay Robredo, DENR Secretary Ramon Paje at Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil na rin sa mga paglabag sa envromental laws ng tatlong mining scale na inisyuhan ng  permit mula sa tanggapan ni  Tallado.

Sinabi pa ni Paliza na ang pagmimina ng Uni Dragon Mining and Development Corp.,  Philippine Bao Tong Mining Corporation at Liaoning Fenghua Group, Philippine Mining Company, Inc. ay nagbunsod upang masira ang local environment, partikular na ang mga baybayin ng Paracale.

Napag-alaman na kahit na naglabas ng cease and desist order noong September 5, 2011 ang DENR’s Mines and Geosciences Bureau dahil na rin sa mga paglabag at non-compliance ay patuloy pa rin ang pagmimina ng mga mining company.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply